PINARE-REGULATE | Angkas, may hiling sa LTFRB

Manila, Philippines – Hiniling ng mga motorcycle riders ng ride booking application na ‘Angkas’ sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mai-regulate ang kanilang operasyon.

Ayon kay Taguig Spartan President at Angkas rider na si Ryan Riller – nais nilang maging pormal ang kanilang operasyon.

Panawagan pa ni Riller sa LTFRB na masolusyonan ang usapin sa pamamagitan ng pagbibigay ng provisional permit at masaklaw din sila sa Transport Network Vehicle Services (TNVS), upang maging legal ang kanilang operasyon.


Itinakda ng LTFRB sa Disyembre 12, 2017 ang kanilang dayalogo sa pamunuan ng Angkas.

Facebook Comments