Misamis Oriental – Inilagay sa bartolina ng Misamis Oriental Provincial Jail (MOPJ) ang isang dating pulis nang nagpapa-live show sa kaniyang mga kasamang preso sa nasabing pasilidad.
Ito ang kinumpirma ni MOPJ Warden Dominador Tagarda sa interview ng DXCC-RMN Cagayan de Oro.
Ang dating pulis ay nakilalang si PO3 Alejandro Ubanan na bagong lipat lamang sa MOPJ mula sa Lumbia City Jail.
Matandaan na kabilang si Ubanan sa limang pulis na nakulong dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkidnap at pagkawala ng isang negosyanteng si Enrique Fernandez alyas Kiking sa siyudad.
Inihayag rin ni warden Tagarda na napatunayan ng Disciplinary Board ng MOPJ na nagbayad sa isang bading at isang lalaking preso si Ubanan upang gawin ang live show sa kaniyang harapan at sa ibang mga preso.
Dahil sa nangyari, inilagay sa bartolina si PO3 Ubanan sa loob ng pitong araw at hindi makakatanggap ng bisita sa loob ng isang buwan.