Hindi na kailangan pang magpaliwanag ng gobyerno ng Pilipinas sa ginawang sanctions ng Amerika sa ilang indibiwal at opisyal na sinasabing sangkot sa pagpapakulong kay Senator Leila de Lima.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra sa pag-dalo nito sa media forum sa Maynila, naniniwala siya na malalaman din ng US State Department ang totoong dahilan kung bakit nakakulong ngayon ang Senadora.
Sinabi pa ni Guevarra na ang US State Department ang magpapatupad ng sanctions pero kailangan nilang malaman kung ang mga opisyal ng pilipinas na nasa listahan ay may kasalanan aa pagpapakulong kay de Lima.
Dagdag pa ng kalihim, hindi nila maaaring ipatupad ang panawagan ng mga us senators na palayain si Senator de Lima dahil hindi pa ito convicted at gumugulong pa sa Korte ang kaso nito.
Ipinagtataka lang ni Guevarra ang pananahimik ng senadora kung saan aniya sa una pa lamang ay maaari daw itong mag-file ng petiton for bail habang dinidinig ang tatlong kaso na may kinalaman sa iligal na droga.
Itinaggi din nito na sila ang dahilan kung bakit tumatagal ang proceedings sa kaso ng senadora saka sinabing ang panig nito ang may problema lalo na at kada may lalabas na isang indibidwal na magbibigay ng testimoniya ay kanilang kinukuwestyon.
Umaasa si Guevarra na malalaman din ng mga opisyal sa amerika ang totong dahilan ng pagkakakulong ni de lima saka iginiit na dumaan ang kaso sa tamang proseso.