Cotabato – Binisita ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang labas ng South Seas Mall sa Cotabato City kung saan naganap ang pagpapasabog noong December 31, 2018 kung saan dalawa ang nasawi habang mahigit 30 ang nasugatan.
Pinuntahan din ng PNP Chief ang lotto outlet sa loob ng mall kung saan nakita ang isang Improvised Explosive Device (IED) na hindi sumabog.
Ayon kay PNP-12 regional director C/ Supt. Eliseo Tam Rasco – sa ngayon, blanko pa rin ang pnp sa pagkakakilanlan ng ikalawang suspek sa Cotabato mall bombing.
Habang ang unang suspek na sumuko noon sa pulisya, nanindigang walang kinalaman sa pagsabog.
Una nang iginiit ni salipudin pasandalan na kaya siya sumuko sa PNP ay dahil sa takot na mapahamak siya matapos niyang makita sa balita ang kanyang larawan.
Samantala, dahil sa pagsabog, isinailalim na rin sa COMELEC control ang Cotabato City.