Zamboanga – Ilang araw matapos ang nangyaring pagpapasabog, bukas na muli ang mosque sa Zamboanga City.
Noong biyernes, ibinahagi sa social media ni Prof. Alih Ayub ng National Ulama Council of the Philippines (NUCP) ang ilang larawan sa pagbubukas ng mosque.
Ibinahagi rin niya ang nilalaman ng sermon ni As-Sunnah foundation president Khatib Sheik Zayd Ocfemia na ang islam ay nagtuturong maging matatag at mapagmahal sa kabila ng mga panggugulo.
Matatandaang dalawa ang nasawi at apat ang nasugatan sa nangyaring pagpapasabog sa mosque, tatlong araw lang matapos ang kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Facebook Comments