PINASALAMATAN | Catriona Gray, isang ‘passionate advocate’ ng turismo ng Pilipinas

Pinasalamatan ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pagiging ‘passionate advocate’ ng Philippine tourism.

Ayon kay Puyat – ipinakita ni Gray sa kabuoan ng kompetisyon ang kultura at katangian ng mga Pilipino gaya ng pagiging hospitable.

Sinabi ng kalihim – habang naghahanda sa international pageant si Gray ay gumagawa ito ng mga serye ng video clips na ipino-promote ang iba’t-ibang destinasyon sa Pilipinas gaya ng Rizal Park at El Nido, Palawan sa Luzon, Tacloban City at South Cotabato.


Patunay ito na partner for tourism ang Fil-Aussie beauty queen at itinaas ang bandera ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga salita at gawa.

Facebook Comments