PINASALAMATAN | Mga sumuporta sa pagka-luklok kay SGMA, binigyan ng thank you lunch sa isang bagong hotel sa QC

Manila, Philippines – Isang thank you lunch ang isinagawa kanina sa isang bagong hotel sa QC para sa mga kon na sumuporta sa pagka-luklok bilang house speaker ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Bukod sa maraming kakamping mambabatas, dumalo rin sa tanghalian si presidential daughter Mayor Sarah Duterte.

Ayon kay Quezon third district representative Danilo Suarez, si davao city mayor Sarah Duterte at speaker Arroyo ang nag-organisa ng lunch na isinagawa sa Seda hotel sa Vertis North Quezon City.


Kabilang din sa namataan na lumabas ng Seda hotel ay sina dating First Lady Imelda Marcos, San Jose del Monte Congw. Florida ‘Ate Rida’ Robes, Negros Occidental Cong. Alfredo Benitez, Capiz Cong. Fred Castro at maraming iba pa.

Nagsalita rin si Speaker Arroyo pero hindi lang binanggit kung ano pa ang napag usapan.

Facebook Comments