Lilikha ng mga bagong trabaho ang bagong pasinayang RTD o Ready to Drink plant ng Nestlé Philippines na itinayo sa may 14,688 square meters na lote sa Tanauan, Batangas.
Ito ang pinakabagong investment na ginastusan ng Nestle Philippines ng P2.8 billion na may layuning mapahusay ang kapabilidad ng Nestle na makalikha ng mga de kalidad na produkto na tinatangkilik ng maraming pamilyang Pilipino sa nakalipas na daang taon.
Walang interbensyon ng tao ang planta dahil highly automated na ang operasyon nito.
Abot sa 80 na manggagawa ang nagsimulang magtrabaho sa planta bilang mga quality controller.
Sa bagong pasinayang RTD plant lilikhain ang mga produktong Nestlé Chuckie, ang leading chocolate milk.
Sa kalagitnaan ng taon, dito na rin imamanupaktura ang Nestlé All Purpose Cream.
Ito ay bahagi ng pangako ng Nestle sa pagpapalakas ng bansa hindi lamang paglikha ng mga produkto kundi sa paglikha ng mga bagong trabaho.
May wet process at Ultra-High Temperature (UHT) equipment ang planta na titiyak sa superior product quality.
Ang mga linya ng paleta sa pagpapakete ng mga finished goods ay highly automated.
Kabilang sa dumalo sa pasinaya ay sina Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez, Tanauan City, Mayor Jhoanna Corona-Villamor, at mga Nestle Philippines officials sa pangunguna ni Chairman and CEO Kais Marzouki.