PINASINUNGALINAN | Paglipat ng embahada ng Pilipinas sa Jerusalem mula Tel Aviv, itinanggi

Manila, Philippines – Itinanggi ni Foreign Secretary Alan Peter Cayetano na ililipat ng Pilipinas ang embahada nito sa Jerusalem mula sa Tel Aviv.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dapat ay pinag-aaralan ang anuman g hakbang sa diplomasya maliban nalang kung ito ay maituturing na “urgent.”

Ang Jerusalem ay ang pinag-aagawang teritoryo ng Israel at Palestine.


Batay sa isang ulat na mula umano sa public radio sa Israeli, kasama ang Pilipinas sa 10 bansa na ikinukonsidera na ilipat ang embahada sa jerusalem matapos makipag-usap sa kanilang bansa.

Nauna nang inanunsyo ni US President Donald Trump na kinikilala nito ang Jerusalem bilang bahagi ng teritoryo ng Israel.

Facebook Comments