PINASINUNGALINGAN | Executive Secretary Salvador Medialdea, walang legal advice na sinabi kay Atty. Stephen David kaugnay sa kaso ni Napoles

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Executive Secretary Salvador
Medialdea na nagbigay siya ng legal advice kay Atty. Stephen David, ang
abogado ni Janet Lim Napoles.

Ito ang sinabi ni Medialdea sa harap narin ng Pahayag ni David na pinayuhan
umano siya ni Medialdea na mag-file ng motion para mailipat ng kostodiya si
Napoles mula BJMP patungo sa DOJ o sa ilalim ng Witness Protection Program.

Ayon kay Medialdea, walang katotohanan ang sinabi ni David.


Paliwanag ni Medialdea, bakit naman siya magbibigay ng isang payo sa isang
abogado para sa kliyente nito.

Sinabi pa ni Medialdea na kung siya ang kliyente ni David ay sisibakin niya
ito dahil tila hindi nito alam ang kanyang gagawin.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments