Manila, Philippines – Itinanggi ng Golden Donuts, Inc. (GDI) ang akusasyon na mayroon itong tax liability na aabot sa P1.1 billion sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa statement ng GDI na exclusive franchisor at license grantee sa Pilipinas ng Dunkin Donuts, itinanggi nilang hindi sila nagbayad ng buwis para sa taong 2007 kung saan nabayaran na nila sa BIR ang sinasabing tax liabilities noon pang 2012.
Bagamat hindi pa nakikita ng GDI ang kopya ng reklamo ng BIR, lumilitaw umano sa naglabasang balita na ang reklamo ay ibinase sa 38% under declaration ng sales ng GDI.
Ayon sa GDI lahat ng kanilang franchisees ay mayroong sariling business entities at responsible sa pagbabayad ng kanilang buwis.
Facebook Comments