PINASINUNGALINGAN | Kampo ng prosekusyon, iniharap ang 14 na testigo laban kay dating Senador Jinggoy Estrada

Manila, Philippines – Pinasinungalingan ng 14 na testigo na iniharap ng prosekusyon na nakatanggap sila ng livelihood kits na pinondohan mula sa PDAF ni dating Senator Jinggoy Estrada.

Ang 14 na testigo ng prosecution ay mula sa Masbate.

Sa nagpapatuloy na pagdinig sa plunder case ni Estrada na may kaugnayan sa pork barrel scam, sinabi ng mga testigo na pineke ang kanilang pirma at wala naman silang natatanggap na benepisyo mula sa proyekto.


Ang livelihood kits ay para sana sa paggawa ng sabon, hairdressing at sa manicure-pedicure.

Sa May 21 nakatakdang iharap ng Ombudsman prosecutors ang PDAF whistle blower na si Benhur Luy at mga kinatawan ng China Bank at PBCOM.

Facebook Comments