Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may krisis sa pagitan ng Kamara at ng Office of the Ombudsman.
Ito ay kasunod ng pagmamatigas ni Alvarez na hindi ipapatupad ng Mababang Kapulungan ang dismissal order na ipinataw ng Ombudsman kay Cebu Rep. Gwen Garcia dahil sa maanomalyang pagbili ng Balili property sa Naga, Cebu noong ito ay gobernador pa.
Ayon kay Alvarez, walang constitutional o kahit political crisis sa pagitan ng Kamara at Ombudsman kahit hindi niya ipinatupad ang utos nito.
Paliwanag ni Alvarez, wala sa Saligang Batas partikular sa Ombudsman article na may kapangyarihan silang magpasuspinde sa Legislative branch.
Nakasaad aniya sa Konstitusyon na tanging ang House of Representatives lamang ang may kapangyarihang magpasuspinde ng mambabatas sa pamamagitan ng concurrent 2/3 votes ng lahat ng myembro ng Kapulungan.
Sinabi din ng Speaker na common sense na rin ang magdidikta na mahirap magpatalsik ng isang miyembro ng Kongreso dahil ito ay halal ng bayan.
Gayunman, nilinaw ni Alvarez na nirerespeto niya pa rin si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kabila ng hindi pagpapatupad ng dismissal order.
PINASINUNGALINGAN | Krisis sa pagitan ng Kamara at Ombudsman, itinanggi
Facebook Comments