PINASINUNGALINGAN | Majority leader Rolando Andaya, itinanggi ang sigawan sa pagitan nila ni Appropriations Chair Karlo Nograles

Manila, Philippines – Pinasinungalingan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na nagsigawan sila ni House Committee Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles kaninang umaga sa executive meeting para sa 2019 budget.

Hindi aniya nagkaroon ng sigawan kanina dahil present sa meeting si Speaker Gloria Arroyo.

Nagkaroon lamang aniya ng paliwanagan na hindi babawasan ang P3.757 Trillion na panukalabg budget ng Malakanyang at ipinaabot din ang reklamo ng maraming kongresista na may mga proyektong naipapatupad sa kanilang distrito na wala silang kaalam-alam.


Itinanggi din nito ang lumabas na impormasyon na may P55 Billion na alokasyong isiningit noon sa budget si dating Speaker Pantaleon Alvarez na ipinaaalis nila Andaya sa budget.

Wala din aniyang tatapyasin sa pondo kundi realignment lamang kaya mananatili ang orihinal na halaga ng budget.

Itinanggi din ni Andaya na may pinaaaprubahan siyang hiwalay na committee report sa Appropriations Committee tulad ng naunang sinabi ni Nograles.

Nilinaw pa ni Andaya na wala pa namang naisusumiteng committee report ang Appropriations Committee sa Rules Committee.

Nang matanong si Andaya kung papaano nai-schedule ang sponsorship ngayong umaga kung wala pa palang committee report, sinagot nito na ang report ay dapat na aaprubahan sana kaninang umaga sa ginawang pulong.

Facebook Comments