PINASINUNGALINGAN | Pagtanggap umano ng suhol ng PNP-SAF mula sa mga drug lords sa Bilibid, pinabulaanan ni PNP Chief

Manila, Philippines – Walang katotohanan ang ibinibintang sa mga Special Action Force (SAF) troopers na nagbabantay sa mga high profile inmates sa Bilibid na tumatanggap ang mga ito ng suhol mula sa mga drug lords.

Ayon kay PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa matapos ang beripikasyon lumabas na wala itong katotohanan at pawang gawa-gawa lamang.

Sinabi pa ni Dela Rosa na hindi biro ang mga kalaban nila sa loob ng NBP kung kaya’t gagawa at gagawa ang mga ito ng paraan upang yurakan ang imahe ng SAF.


Pero magkagayunpaman sa turnover ceremony kanina ng mga bagong SAF members na magbabantay sa Bilibid, pinaalalahan niya ang mga ito na pairalin ang konsensya at sundin lamang ang kanyang mandato na linisin ang lahat ng iligal na aktibidad sa NBP.

Facebook Comments