Manila, Philippines – Pinasinungalingan ng Palasyo ng Malacañang ang pahayag ng grupong amnesty international na sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mas naging mapanganib ang Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi ito ang ipinapakita ng mga resulta ng malalaking survey firms.
Patunay ni Roque ang survey ng Social Weather Station kung saan lumalabas na bumaba ang bilang ng mga common crime victims ng 6.1% noong 2017 at ang annual average ng property rights ay bumaba ng 5.6% sa kaparehong taon.
88 % o 8 sa bawat 10 Pilipino ang sumusuporta sa giyera ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga batay sa survey JG Pulse Asia.
Binigyang diin din ni Roque na ang mga operasyon ng mga otoridad laban sa iligal na droga ay dumaan sa tamang proseso at ang mga napapatay ay dahil nanlaban ang mga ito.
Binigyang diin din ni Roque na isang abogado si Pangulong Duterte kaya kailanman ay hindi nito kukunsintihin ang mga pagpatay at hindi palalampasin ni Pangulong Duterte ang mga pulis na hindi sumusunod sa mga nakalatag na protocol at ang nga umaabuso sa kanilang mg kapangyarihan.