Manila, Philippines – Pinasinungalingan ng grupo ng mga guro ang pahayag ng COMELEC na naibigay na sa mga guro ang mga honararia at travel allowance ng mga nagsilbing electoral boards sa katatapos na Barangay at SK elections.
Sa isang news forum sa QC, sinabi ni Benjamin Valbuena, Pangulo ng Alliance of Concerned Teachers na hindi ni-release ng COMELEC ng mas maaga ang naipangakong unang bahagi ng travel allowance dahilan upang gumastos ang mga guro mula sa kanilang sariling bulsa.
Kung mayroon man Aniya na nabigyan ng cash cards, lumalabas na delayed o wala itong laman na pondo.
Kinondena naman ni Jocelyn Martinez ng ACT-NCR union president, ang palpak na paraan ng COMELEC para tiyakin ang seguridad at kalagayan ng mga guro.
Marami aniya sa mga guro ay nakaranas ng harassment, sobrang pagod, puyat at gutom.
Inireklano din ni Ruby Ana Bernardo, QC Public Schools Teacher Association ang kawalan ng tulong ng COMELEC sa mga panahon na binabastos, minumura at hinaharass ang mga guro sa mga lugar na immediate concern at nasa hotspots.