PINASISIBAK | Housing Secretary Del Rosario, pinapapalitan ng mga taga-Marawi bilang chairman ng task force Bangon Marawi

Marawi City – Nanawagan ang grupo ng mga Maranao sa Marawi City na papalitan bilang chairman ng task force bangon Marawi si Housing Secretary Eduardo Del Rosario.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Sultan Abdul Hamidula Atar, tagapagsalita ng Ranao Multi-Stakeholders Movement, na gusto nilang papalitan si Del Rosario dahil aniya sa pagiging insensitive nito sa kultura nilang mga Maranao.

Hindi din, aniya, epektibo ang kalihim sa kanyang trabaho bilang pinakamataas na opisyal sa TFBM dahil hindi ito nakaka-relate sa kultura nilang mga Maranao.


Una na umano silang na-offend kay Del Rosario nang sinabi nitong ipa-flattened ang Marawi City bilang bahagi ng pag-rehabilitate at pag-rebuild ng lungsod matapos itong masira dahil sa limang buwang giyera laban sa mga terorista.

Kasunod nito, nanawagan ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-reorganize ang TFBM, at maglagay ng mga Maranao leader.

Facebook Comments