PINASISIBAK | Pagsibak sa pwesto ni DOH Sec. Francisco Duque, iginiit ni Atty. Percida Acosta

Manila, Philippines – Ipinasisibak na kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Public Attorney Office Chief Atty. Percida Acosta at ng mga biktima ng Dengvaxia si Health Secretary Francisco Duque III.

Ang panawagan ay ginawa ni Atty Acosta matapos malaman na tuloy pa rin ang pagturok ng Anti dengue Vaccine na Dengvaxia sa kabila ng pagiging kontrobersiyal nito.

Sa Media forum sa Quezon City, sinabi ni Atty Acosta na huwag nang magtago sa saya ni Pangulong Duterte si Duque bagkus magkusa na lamang ito na bumaba sa pwesto.


Sa pamamagitan aniya nito ay mapapalitan si Duque ng mas karapat dapat at may malasakit sa kapakanan ng mga nabiktima ng anti dengue vaccine.

Tatanawin aniya na malaking utang na loob kay pangulong Duterte ng mga magulang na namatayan ng mga anak kapag ginawa nito ang pagsibak sa kalihim.

Hanggang ngayon kasi hindi pa inilalabas ni Duque ang masterlists ng lahat ng naturukan ng anti vaccine at patuloy aniya itong itinatago.

Facebook Comments