PINASISIBAK | Pulis na suspek sa pagpatay kay Sapa-Sapa Tawi Tawi Vice Mayor Ali, nasampahan na ng kaso

37

Nakasuhan na ang pulis na suspek sa pagpatay kay Sapa-Sapa, Tawi-Tawi Vice Mayor Alrasid Mohammad Lipae Ali na nasawi noong July 11, 2018 sa Governor Alvarez street Barangay Zone 3, Zamboanga City.

Ito ay kinilalang si Police Officer 3 Mohammad Lacbao Tolete na sinampahan ng kasong murder ng Special Investigation Task Group (SITG) Mohammad Ali sa City Prosecutor ng Zamboanga City.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde si Tolete ay nakatalaga sa Lamitan City Police Station, at residente ng San Isidro, Zone II, Barangay Mercedes, Zamboanga City.

Itinuro si Tolete ng mga testigo na bumaril at pumatay kay Vice Mayod Ali na ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

Dahil dito sinabi ni Albayalde na kandidato sa pagkakasibak sa serbisyo si Tolete na ngayon ay pino-proseso na ng PNP internal Affairs Service ang mga dokumento.

Facebook Comments