PINASISIBAK | Senator Hontiveros, hinamon si Pangulong Duterte na sibakin at kasuhan si Calida

Manila,Philippines – Hinamon ngayon ni Senator Risa Hontiveros si Pangulong Rodrigo Duterte na patunayang totoo ang kampanya nito laban sa korapsyon.

Ayon kay Hontiveros ito ay sa pamamagitan ng pagsibak ng Pangulo at pagsasampa ng kaso laban kay Solicitor General Jose Calida.

Pahayag ito ni Hontiveros makaraang lumabas ang report na napunta sa pag-aaring security agency ng pamilya ni Calida ang 150-million pesos na kontrata sa pamahalaan.


Diin ni Hontiveros, mahalagang masibak at makasuhan si Calida para maibangon ang mga nadungisang institusyon sa bansa.

Giit pa ni Hontiveros, sakaling sibakin si Calida ay hindi ito dapat i-recycle ng Pangulo katulad ng ginawang pagtatalaga sa ibang pwesto sa gobyerno ng mga naunang opisyal na sinibak nito.

Facebook Comments