Manila, Philippines – karapatan ng mga estudyante at mga magulang na igiit ang kaligtasan at pagkakaroon ng nurturing learning environment sa mga paaralan.
Ito ang binigyang-diin ni Senator Sonny Angara kasunod ng nag-viral na video na nagpapakita ng pambubully at pananakit ng isang junior high school student ng Ateneo sa ilan nyang kapwa estudyante.
Ipinaalala din ni Angara sa mga paaralan ang itinatakda ng family code na responsibilidad ng mga paaralan ang mga estudyante na nasa kanilang kostudiya.
Kaakibat ang hashtag na #NoToBullying ay ipinost din ni Senator Angara sa kanyang Twitter account ang kopya ng ini-akda niya na anti bullying act of 2013.
Facebook Comments