PINASISIGURO | Suplay ng NFA rice sa mga biktima ng malaking sunog sa Jolo, pinatitiyak ni Sen. Gatchalian

Manila, Philippines – Pinapatiyak ni Senator Win Gatchalian sa National Food Authority o NFA ang tuluy tuloy na suplay ng bigas sa halos 5,000 pamilya na biktima ng malaking sunog Jolo, Sulu kamakailan.

Sa liham na ipinadala sa NFA ay iginiit ni Gatchalian na hindi pwedeng maputol ang supply ng murang bigas sa mga biktima para matiyak na mayroon silang kakaiinin matapos ang trahedya.

Bukod dito ay nakikipag-ugnayan na rin si Gatchalian sa National Housing Authority o NHA kung paano mabibigyan ng pabahay ang libu libong biktima ng sunog.


Una rito ay nagkaloob sa mga nasunugan si Gatchalian ng 1.5-million pesos na halaga ng relief assistance o tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela.

Facebook Comments