Manila, Philippines – Inihain ni Senator Leila de Lima ang Senate Resolution No. 756 na nagsusulong ng imbestigasyon kaugnay sa umano ay ilang blacklisted Chinese firms na nakakuha ng multi bilyong kontraya para sa Bangon Marawi Program ng pamahalaan.
May impormasyon si de Lima na dalawa sa limang Chineses companies na nananalo ng kontrata para sa P51.64-billion pesos na recovery and rehabilitation program sa Marawi City ay blacklisted ng world bank.
Ang tinutukoy ni de Lima ay ang China State Construction Engineering Corporation at ang China Geo Engineering Corporation na pinagbabawalan umanong makilahok sa mga proyekto ng gobyerno sa loob ng 5 hanggang 6 na taon.
Ang ground-breaking ceremony para sa rehabilitsyon ng Marawi ay itinakda sa June 21, at inaasahang matataps sa taong 2021.