Manila, Philippines – Inihain ni Senator Leila de Lima ang Senate Resolution Number 902 na nagsusulong na maimbestigahan ang umanoy land grabbing o pangangamkam ng lupain ng mga katutubo sa Boracay.
May impormasyon si de Lima na may nagaganap na land grabbing habang isinasailalim sa rehabilitasyon ang Boracay.
Diin ni de Lima, bago pa dumugin ng mga turista ang Boracay ay tirahan na ito ng mga IP’s o Indigenous Peoples.
Ayon kay de Lima target ng pagdinig na hadlangan ang commecial development sa bahagi ng Boracay na para sa mga katutubo.
Layunin din ng hakbang ni de Lima na makabalangkas ang senado ng panukalang batas na magbibigay proteksyon komunidad ng mga katutubo.
Facebook Comments