Manila, Philippines – Inihain ni Senator Leila de Lima ang Senate Resolution No. 922 na nagsusulong ng imbestigasyon sa Umano ay pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga dayuhan.
Partikular na target ng hakbang ni de Lima ang umano ay Chinese national na si Michael Yang na napabalita na nagpapakilalang economic adviser ni Pangulong Duterte.
Ikinatwiran ni de Lima na para sa kapakanan ng publiko ay mahalagang mabusisi kung totoo ang umano ay appointment kay Yang, ano ang totoong kaugnayan nito kay Pangulong Duterte at kung may access ito sa mga sensitibong imormasyon sa pamahalaan.
Diin pa ni de Lima, hindi dapat maimpluwensyahan ng sinumang dayuhan ang pamamalakad ng ating Pangulo at ang ating foreign policy.
Iginiit din ni de Lima na dapat maparusahan ang sinumang dayuhan na pumapapel o sumasaklaw sa alin mang tanggapan sa gobyerno.