PINASISILIP | Umano ay sexual harassment sa mga kandidata ng Ms Earth, pina-iimbestigahan ni Senator Hontiveros

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 932 na nagsusulong ng imbestigasyon sa akusasyong sexual harassment sa mga kandidata ng Miss Earth beauty pageant.

Ang hakbang ni hontiveros ay kasunod ng reklamong sexual harassment ng mga kandidata ng Canada, England at Guam laban sa isa sa mga sponsor ng pageant na si Amado Cruz.

Ikinadismaya ni Hontiveros na sa kabila ng reklamo ng mga kandidato ay pinahintulutan pa rin ng organizer ng Ms earth ang presensya o partisipasyon ni ginoong Cruz sa event.


Para kay Hontiveros, ito ay malinaw na pagpapabaya sa kapakanan ng mga kababaihan na dapat mabusisi para hindi na mangyari uli.

Giit ni Hontiveros, hindi dapat kinokunsinti ang anumang uri ng pag-abuso o panggigipit sa mga kababaihan lalo na aniya sa isang beauty pageant na nagsusulong sa kahalagan ng mga kabahaihan.

Facebook Comments