PINASISIYASAT | Paghuli at pagkamatay ng tambay na si Genesis Argoncillo, paiimbestigahan ng Makabayan sa Kamara

Manila, Philippines – Pinasisiyasat na rin ng Makabayan Bloc sa Kamara ang pagkamatay ng hinuli na tambay na si Genesis Argoncillo alyas Tisoy sa Quezon City.

Sa House Resolution No. 1971 na inihain ng Makabayan, hindi nagtutugma ang pahayag ng mga saksi at ng Quezon City Police District sa kung paano inaresto si Tisoy.

Iginiit ng Makabayan na kailangan ng imbestigasyon in aid of legislation para bigyang linaw kung ligal ba ang pagkakaaresto at pagkakakulong kay Tisoy gayundin kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay nito.


Sa salaysay ng may-ari ng tindahan, nakaupo lamang si Tisoy nagpapaload sa labas ng kanilang bahay nang dumating ang mga pulis mula sa QCPD Station 4 saka pinahawakan dito ang bote ng alak na walang laman at kinunan ng larawan.

Sinabi rin ng kapatid ni Tisoy na nakita nila ang bangkay nito sa ospital apat na araw matapos arestuhin na may marka na pinahirapan ito.

Pero, taliwas naman ang pahayag ng QCPD na sinabing inaresto si Tisoy dahil sa pagiging lasing at sa reklamong “alarms and scandals” at ang mga sugat na tinamo nito na naging dahilan ng kanyang pagkamatay ay “Self-Inflicted” bukod pa sa sinasabing “Mentally Disturbed Ito.”

Facebook Comments