PINASISIYASAT | Pagpapalabas ng Chinese shows sa PTV-4, pina-iimbestigahan ng Opposition Senators

Manila, Philippines – Inihain ngayon ng Minority Senators ang Senate Resolution no. 780 na nagsusulong ng imbestigasyon sa planong pagpapalabas ng mga Chinese shows sa PTV-4 simula ngayong Agosto.

Hinala ng Opposition Senators mayroong lihim na agenda dito para itaguyod ang Chinese communist party.

Nangangamba ang Senate Minority bloc na maghatid ito ng panganib na madomina na ng mga Chinese ang buong Pilipinas.


Nababahala din ang minorya na maging daan ito para maitanim sa isipan ng mga pilipino ang mga prinsipyo ng pagiging awtoritarian o anti-democratic, one-party state, at kawalan ng pinaniniwalaang Diyos.

Posible din anilang maapektuhan ng nabanggit na Chinese shows ang kultura ng mga pilipino pabor sa demokrasya, pagiging makatao, at maka-Diyos.

Facebook Comments