Sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang lahat ng PinasLakas activities ngayong araw bunsod ng banta ni Bagyong Karding.
Mababatid na aarangkada sana ang PinasLakas Special Vaccination Days simula ngayong araw, September 26 hanggang Biyernes, September 30 upang mapalakas ang COVID-19 booster coverage ng bansa.
Unang inilunsad ang PinasLakas campaign nitong Hulyo upang mabakunahan ang 23.8 milyong Pilipino o 50% ng eligible population ng bansa sa loob ng unang 100 araw ng Marcos administration.
Ngunit inamin ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi naabot ang araw target ng naturang programa kaya ibinaba nila ang booster coverage goal mula sa 50% papunta sa 30%.
Facebook Comments