Thursday, February 5, 2026

Pinaslang na policewoman at 8 taong gulang na anak, naihatid na sa huling hantungan

Naihatid na sa huling hantungan ngayong araw si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at ang kanyang 8 taong gulang na anak na si John Ysmael Mollenido.

Binigyang-pugay ang nasawing policewoman ng kanyang mga kasamahan sa Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng isang memorial mass na ginanap ngayong umaga sa Camp Bagong Diwa, Taguig, kung saan siya ay naglingkod.

Pagkatapos ng seremonya, dinala ang mga abo ng mag-ina sa Heritage Park para sa inurnment.

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Major Hazel Asilo na si John Mollenido, asawa ni Diane, ang tumanggap ng burial flag ng nasawing policewoman.

Patuloy namang nananatili si John Mollenido sa restrictive custody sa NCRPO habang inaalam ang kanyang posibleng papel sa kaso.

Facebook Comments