Manila, Philippines – Pinasusuko na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang apat na mga dating mambabatas na nahaharap sa kasong murder at may warrant of arrest.
Ayon kay Albayalde, mas makabubuti kung kusa nang haharap sina kabilang sina dating Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza, dating kongresista na sina Satur Ocampo at Teddy Casiño.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Albayalde na walang paglabag sa karapatang pantao sakaling aarestuhin ang apat na mga dating mambabatas.
Inakusahan sina Ocampo, Casino, Maza at Mariano na nagpapatay umano kina Danilo Felipe, Carlito Bayudang at Jimmy Peralta noong 2001 at 2004.
Pero mariin namang itinanggi ng apat ang akusasyon laban sa kanila.