PINASUSURI | Intelligence capability ng militar at pulis, pinaaaral ng Malacañang

Manila, Philippines – Inatasan na ng Palasyo ng Malacañang ang Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines na suriin ang kanilang intelligence capability matapos ang pagsabog sa Lamitan City Basilan kaninang umaga kung saan hindi bababa sa 10 ang kumpirmadong namatay.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maituturing itong war Crime dahil mayroong mga nadamay na sibilyan na mahigpit na ipinagbabawal ng International Humanitarian law.

Sa ngayon aniya ay hindi pa alam ng Malacañang kung sino ang nasa likod ng pagsabog.


Kasabay narin ito ng mariing pagkondena ng Malacañang sa insidente kung saan sinabi ni Roque na inatasan na nila ang mga otoridad na magsagawa ng malalimang imibestigasyon upang matunton ang grupo na nasa likod ng terror attack.

Facebook Comments