Pinataas na budget para sa National Broadband Program, dapat magbunga ng pinahusay na internet services sa kanayunan

Inaasahan ni Senator Sonny Angara ang paghusay ng internet connectivity maging sa mga liblib na lugar sa bansa sa oras na nakumpleto ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang first phase ng National Broadband Program.

Ayon kay Angara, sa ilalim ng 2021 national budget ay itinaas sa ₱1.9 billion o halos nadoble ang ₱902.1 million na hininging budget ng DICT para sa National Broadband Program.

Diin ni Angara, ang nabanggit na pondo ay bukod pa sa budget para sa implementasyon ng ng DICT ng free Wifi sa mga pampublikong lugar at sa mga state universities and colleges.


Binigyang-diin ni Angara na mahalagang mapag-ibayo ang internet infrastructure sa bansa na malaking aspeto sa paghatak ng dagdag na pamumuhunan na magreresulta sa dagdag na mga trabaho at masiglang ekonomiya.

Dagdag pa ni Angara, ang maaasahang internet connection ay pangunahing kailangan ng mamamayan sa new normal o uri ng pamumuhay ngayon sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments