PINATAASAN | Mas mataas na tax sa sigarilyo at alak – isinusulong ng pamahalaan

Manila, Philippines – Pinatataasan pa ng Department of Finance (DOF) ang buwis sa alak at sigarilyo.

Katwiran ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, bukod sa dagdag na kita ng gobyerno, mabuti rin ito sa kalusugan ng publiko para maiwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Sa ilalim ng TRAIN Law, dahil sa excise tax ay umabot na sa ₱32.50 ang kada pakete ng sigarilyo noong January 1, kumpara sa ₱30 kada pakete noong nakaraang taon.


Sa mga susunod na taon hanggang 2023, magkakaroon pa ng pagtaas sa excise tax sa sigarilyo.

Maliban sa epekto ng TRAIN Law, ipinapanukala din ng DOF ang pagpapatupad ng tax reform package na “two plus” na sasakop sa sigarilyo, alak, mining, coal at casino.

Sa ilalim ng package doble ang pagtaas ng presyo ng sigarilyo at alak.

Facebook Comments