PINATAKAS ANG AMA | Anak ng wanted na volleyball coach, arestado!

Quezon City – Arestado ang anak ng isang coach na wanted sa kasong panggagahasa matapos na tulungan nito ang kaniyang ama na makatakas nang arestuhin ng mga otoridad sa Barangay Old Balara, Quezon City.
Sa ulat, nakita ng mga pulis ang suspek na si Dennis Laping na nakatayo sa labas ng kanilang bahay at nang lalapitan na ito ay humarang ang kaniyang anak na si John Eric saka ini-lock ang gate kaya’t nakatakas ang suspek.

Dahil dito, dinakip ng pulisya si John Eric habang nagpapatuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa suspek.

Matatandaan na nag-alok ng isang daang libong pabuya ang pamilya ng 12-anyos na volleyball player na ginahasa nito kung saan maari silang kontakin sa numerong 09454636430 / 0915-0490104 / 0917-8174748 kung merong impormasyon kung nasaan ang nasabing volleyball coach.


Facebook Comments