PINATATAASAN | Unconditional cash transfer sa ilalim ng TRAIN law, pinadadagdagan

Manila, Philippines – Pinatataasan ni Assistant Majority Leader at 1-PACMAN Partylist Rep. Michael Romero ang unconditional cash transfer (UCT) sa ilalim ng TRAIN Law.

Aniya, sa unang taon na implementasyon ng TRAIN ay nasa P200 lamang ang UCT at tataas sa P300 pagsapit ng ikalawa at ikatlong taon ng TRAIN.

Paliwanag ni Romero, makakatulong kung itataas sa P500 ang unconditional cash transfer para makabawas sa epekto ng mataas na inflation rate, pagbagsak ng piso kontra dolyar, at pagtaas ng presyo ng krudo.


Giit ng kongresista, P26.4 Billion na pondo ang kailangan para makakain ng tatlong beses sa isang araw ang mga nabibilang sa sektor ng ‘poorest of the poor’ sa bansa.

Ang halaga din na ito aniya ay wala pang 1% ng P3.6 Trillion ng pambansang pondo.

Balak ng mambabatas na maghain ng panukala na humihiling na taasan sa limandaang piso ang UCT para sa mga mahihirap.

Facebook Comments