PINATATANGGAL | 9 na kadete na PNPA na nasangkot sa pambubogbog sa kanilang mga Seniors sa loob ng akademya, inirekomendang tanggalin

Manila, Philippines – Nagdesisyon na ang pamunuan ang Philippine National Academy (PNPA) na tanggalin sa akademya ang siyam na kadeteng umanoy direktang sangkot sa pambubogbog sa kanilang anim na seniors nitong nakalipas na buwan ng Marso.

Pero ayon kay PNPA Director Police Chief Supt. Joseph Adnol, nagbigay sila ng sampung araw o hanggang bukas August 22 para makapaghain ng motion for reconsideration ang mga kadeteng nasangkot sa pambubogbog matapos na ilabas nila ang desisyon nitong August 10.

Pagaaralan aniya ng PNPA ang isusumiteng Motion for Reconsideration (MR) na maari makapag bago ng kanilang desisyon ngunit kung makikita sa MR na wala silang matibay na dahilan ay tuluyan ng ipapataw ang mga inilabas na desisyon.


Sa desisyon ng PNPA, siyam na kadete ang matatangal sa akademya, 2 ay suspendido, 2 na- acquit at 31 ay demerits.

Matatandaang nangyari ang kontrobersyal na pambubogbog sa anim nilang seniors pagkatapos ng PNPA graduation noong marso kung saan nagtamo ng head injuries ang biktima na ngayon ay graduate na ng PNPA.

Facebook Comments