PINATATAWAG | Dating COMELEC Chair Bautista, padadalhan ng subpoena ng Senado

Manila, Philippines – Padadalhan na ng Senado ng subpoena si dating Commission on Elections o COMELEC chairman Andres Bautista.

Ito ay makaraang mabigo si Bautista na dumalo sa pagdinig ngayong araw ng Committee on Banks na pinamumunuan ni Senator Francis Chiz Escudero.

Ang pagdinig ay kaugnay sa ibinunyag ng dating misis ni Bautista na si Patrisha na mayroon daw hindi maipaliwanag na yaman ang kanyang mister na nakadeposito umano sa Luzon Development Bank.


Plano din ni Escudero na paharapin sa susunod na pagdinig ang kapatid ni Bautista na si Martin.

Sabi ni Escudero, dapat panindigan ng magkapatid ang kanilang mga hamon at ibinitiwang salita noon.

Kabilang aniya dito ang pahayag ng magkapatid na Bausita na magiging bukas sila sa imbestigasyon, wala silang itatago, at magsusumite sila ng waiver para mabusisi ang kanilang mga bank accounts sa kabila ng umiiral na Bank Secrecy Law.

Facebook Comments