PINATATAWAG | Dating Pangulong Noynoy Aquino, pinadalhan na ng summon ng COMELEC kaugnay ng reklamong paglabag sa Omnibus Election Code bunsod ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine

Manila, Philippines – Pinadalhan na ng summon ng Commission on Elections si dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng reklamong paglabag sa Omnibus Election Code bunsod ng kontrobersyal na Dengvaxia Vaccine.

Maliban kay Aquino, ipinatawag rin sina dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Health Secretary Janet Garin at 16 na iba pang opisyal ng DOH.

Batay sa reklamo ng Volunteers Against Crime And Corruption o VACC, inilabas ng administrasyong Aquino ang 3.5 bilyong pisong pondo ng bayan para ipambili ng bakuna bago ang 2016 national elections.


Inaasahang haharap sina Aquino sa preliminary hearing ng COMELEC sa March 15.

<#m_7395121324491965797_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments