Para bigyan-linaw ang ilang isyu sa nangyaring police operation sa isang scam hub sa loob ng Century Peak Tower sa Maynila, minabuting patawan ng administrative relief ng 10 araw ang dalawang senior officers’ ng Philippine National Police (PNP) na sina Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director Major General Ronnie Francis Carriaga at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Sidney Hernia.
Ayon kay PNP-PIO Chief BGen. Jean Fajardo,isa kasi sa isyung lumutang at kinwestyong ng subject ng cyber warrant ay ang umano’y tampering ng CCTV sa establisyemento.
Kaya minarapat ng PNP leadership na i-relieved administratively ang dalawang opisyal para sa gagawing imbestigasyon.
Bumuo na rin ang PNP ng komiteng pinangungunahan ni acting PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Michael John Dubria upang masusing suriin ang operasyon at tukuyin kung may nalabag na operational protocol.
Maaalalang nauna nang inalis sa pwesto ang tatlong tauhan ng ACG na umano’y sangkot sa paggalaw sa CCTV.