Negros Occidental – Bangkay na nang matagpuan ang doktor ng Land Transportation Office (LTO) habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Calumangan, Bago City, Negros Occidental.
Sinasabing ikinabahala ng kanyang pamilya dahil hindi nakauwi sa kanilang bahay sa Barangay Lag-Asan, Bago City ang doktor na si Felix Villanueva.
Napag-alaman na may sugat sa dibdib ang nasabing doktor nang makita itong nakahandusay sa loob ng kanyang itim na kotse.
Nagtatrabaho ang doktor bilang accredited ophthalmologist ng LTO-Bacolod na siyang sumusuri sa mata at paningin ng driver’s license applicants.
Facebook Comments