PINATIBAY | Community Base Intervention, pinalalakas ng NCRPO laban sa pagsugpo sa iligal na droga

Manila, Philippines – Aminado ang pamunuan ng National Capital Region na mahigit 200 libong sangkot sa iligal na droga ang sumuko at sumailalim sa rehabilitasyon at 44 ang inaresto nila sa pinaigting na kampanya kontra sa iligal na droga.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni NCRPO Chief General Guillermo Eleazar na karamihan ng mga drug syndicates ay ginagamit ang mga estudyante sa kalakaran ng iligal na droga kayat mahigpit nila itong tinututukan.

Paliwanag ni Eleazar mahalaga na mapalakas ang komunidad dahil sa kadalasan sa loob pa mismo ng mga eskuwelahan nag-uumpisa ang paggamit ng iligal na droga.


Inihalimbawa pa ng heneral na noong siya pa ang namumuno sa QCPD kung saan may mga guro na humihingi ng tulong sa pulisya dahil mayroong umanong mga estudyante na nagbebenta ng droga at napatunayan ito sa nakumpiskang 20 sachet ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa loob ng bag ng isang mag-aaral sa QC.

Giit ni Eleazar ang nakababahala pa aniya ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga naarestong suspek na sangkot sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot at kadalasan ay mga kabataan.

Madalas aniyang puntirya ng mga sindikato ng ilegal na droga ang mga menor de edad dahil bihira ang mga ito mapaghinalaan na sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments