PINATIGIL | Demolisyon sa bahay ng mga informal settlers sa Intramuros, Maynila – pinakansela muna ni Mayor Erap

Manila, Philippines – Pinakansela ni Manila Mayor Joseph Estrada ang demoslisyon sa bahay ng mga informal settlers sa Intramuros, Maynila.

Ito ay matapos na magkaroon ng tensyon sa pagitan ng demolition team at mga residenteng nagbarikada sa lugar.

Ayon kay Estrada, ang utos na pagpapahinto sa demolisyon ay base na rin sa “no relocation, no demolition” policy ni Pangulong Duterte.


Sabi naman ng mga residente, handa silang mag-self demolish ng kanilang mga bahay basta’t hindi magiging bayolente ang demolition team.

Nakiusap din sila na hintaying makahanap sila ng malilipatan bago sila paalisin.

Pero ayon kay Manila RTC branch 7 Sheriff Manuelito Viloria – noong isang taon pa nai-isyu ang demolition order.

Facebook Comments