PINATITIGIL | Petisyon kontra ekstensyon ng Martial Law, inihain sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Naghain ng petisyon sa Supreme Court ang ilang mambabatas na miyembro ng Minorya sa Kamara para ipatigil ang isang taong extension ng Martial Law sa Mindanao.

Hiling nila sa mga Mahistrado na mag-isyu ng Temporary Restraining Order o TRO at harangin ang paglabas ng anumang pondo para rito.

Giit pa ng mga petitioners, walang rebelyon at walang sapat na basehan ang mga banta ng karahasan at terorismo sa rehiyon.


Kabilang sa mga petitioner sina Albay Rep. Edcel Lagman, Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, Caloocan Rep. Edgar Erice, Magdalo Rep. Gary Alejano at Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Facebook Comments