PINATITIYAK | Pagiging payapa ng Brgy. at SK election, mahigpit na bilin ng Pangulong Duterte sa PNP

Manila, Philippines – Pinasisiguro ni Pangulong Duterte sa PNP na maging “as safe as possible” ang darating na barangay at Sanggunian Kabataan elections.

Sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ito ang mahigpit na bilin sa kanila ng Pangulo sa isinagawang PNP-AFP Command Conference sa Malacañang kahapon.

Ginawa ng PNP Chief ang pahayag matapos na bumisita ngayong umaga sa Police Regiona Office 3 sa Camp Olivas sa Pampanga.


Sa ngayon aniya ay 28 na ang naitalang casualties kung saan 22 ang napatay sa mga insidente ng election-related violence.

Inamin naman ng PNP Chief na sadyang mainit ang barangay elections dahil mga magkakapamilya, at magkakaibigan ang mga sumusuporta sa kanilang mga kandidato at hindi maiwasan na magka-personalan.

Matatandaang una nang nanawagan ang PNP Chief sa mga kandidato na iwasang mag-bangayan dahil wala naman aniyang dahilan para mag-away kung paglilingkod sa bayan ang kanilang interes.

Facebook Comments