PINATUNAYAN | Hidilyn Diaz, wala pa rin katapat sa Pilipinas

Cebu – Muling ipinakita ni Rio Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz na siya pa rin ang reyna ng weightlifting sa bansa matapos niyang magkampeon sa Philippine National Games sa Naga, Cebu.

Nakabuhat ng 205 kilo grams si Diaz mula sa 80kg, 85kg at 90kg mula sa tatlong attempt sa snatch habang may 105kg, 110 at 115kg naman sa clean and jerk.

Dahil dito nakuntento na lamang sa silver medal ang kaniyang Zamboanga teammate na si Dessa Delos Santos at inuwi naman ni Daryl Banania ng Quezon City ang bronze medal.


May buhat na 170 kilograms ang disi-nuwebe anyos na si Delos Santos habang may 119 kilograms naman si Banania.

Facebook Comments