Pinatutupad na seguridad, pahigpit nang pahigpit habang papalapit ang araw ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos

Pinaghahanda na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga motorista sa inaasahang pagbigat sa daloy ng trapiko lalo’t mas humihigpit ang seguridad habang papalapit ang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kung dati, random lang ang checkpoint, mamayang gabi ay iisa-isahin na ang kada sasakyan.

Kabilang sa paghihigpit ay ang pagpapatupad ng gun ban simula mamayang alas-12:01 ng hatinggabi at tatagal hanggang July 27.


Maglalatag din ng malaking pwersa para bantayan ang kauna-unahang SONA ni Pangulong Marcos.

Aabot sa 18 task group ang ipakakalat sa paligid ng Batasan at kada task group ay mayroong 200 miyembro.

Andiyan din ang Task Force Shield Manila, ito ang pwersa na ginamit noong inagurasyon ni Pangulong Marcos.

Aabot sa 22,000 na pulis ang ipapakalat sa SONA at inaasahang magpapatupad ng signal jam.

Bawal din ang rally at anumang aktibidad sa IBP at Commonwealth kung saan sa mga freedom park lang sila papayagan.

Ito ay sa Quezon City Circle o kaya naman ay sa UP Campus.

Facebook Comments