PINATUTUTUKAN | OFW na hinatulan ng bitay sa Bahrain – pinasasagip ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinatututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga concern agencies para tulungan ang Overseas Filipino Worker (OFW)’ na si Roderick Aguinaldo na nahatulan ng bitay sa Bahrain.

Personal pang ipinakita ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang liham apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bahrain sa mga magulang ni Aguinaldo na sina Francisca “Precy” Aguinaldo at Milo Aguinaldo.

Dadalhin aniya ang pirmadong liham ng Pangulo ni Special Envoy to the Gulf Cooperation Council Amable Aguiluz sa Bahrain sa lalong madaling panahon.


Ayon kay Go, umaapaela ang Pangulo sa pamunuan ng Bahrain na iligtas sa parusang bitay si Aguinaldo.

Napatay ni Aguinaldo ang isang Pakistani na kanyang nautangan ng pera.

Naisangla ni Aguinaldo ang kanyang passport sa Pakistani subalit nang kanya nang babawiin ay nauwi ito sa mainit na komprontasyon na humantong sa pagkakapatay niya sa Pakistani.

Facebook Comments