Manila, Philippines – Pinawalang sala ng Sandiganbayan 1st division si Mayor Ernesto Reyes ng Guihulngan City sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.
Sa isang open court decision ni Sandiganbayan Chairman Justice Efren De La Cruz, nabigo ang prosecution team na kumbinsihin at patunayan sa korte beyond resonable doubt na nakalabag sa anti-graft law ang Alkalde.
Sinabi ni De La Cruz na hindi sapat ang ebidensiya para ma-convict ang alkalde.
Magugunitang kinasuhan ang Mayor dahil sa P80,000,000 Million loan na ginawa nito sa Landbank noong 2008 kung saan gagamitin daw ang pondo para sa waterwork material, heavy equiptments,service vehicles, ambulances at infrastructure projects at iba pang proyekto.
Wala sa budget ordinance o annual budget ng LGU ang pondo para sa projects at ang lahat ng ito ay hindi napatunayan ng prosecution team kaya tuluyang na-acquit ang alkalde.